Category Archives: me

Aym beeeeeeeek!

Didjamisme???

I hope so! because I miss you too!

Anyways, I hope I can save enough money to rent a computer in our local internet cafe.

How are you???

Advertisements

My Mousey Heroes I

idolmickey-mouse-c

Tungod kay walay yaya si Bunso,kaming duha ang pirming magkauban sa pagtan-aw sa tibilisyon (tawag ni Bunso sa TV).  Si Mickey Mouse ang una nakong nakit-an sa TV ug nahimong mousey hero. 81 anyos na si Mickey pero astig lang gihapon. Gi-organisa ang Mickey Mouse Club sa Disney Channel ug daghang Mouseketeers ang nahimong sikat sa shobis: Christina Aguilera, Britney Spears, Ryan Gosling, Justin Timberlake, ug Jessica Simpson. Ang naredyek pero nagsikat gihapon sina songwriter and singer Paul Williams (We’ve only just Begun) ug si Candice Bergen.

Mouseketeers Britney and Justin

Mouseketeers Britney and Justin

Ang ikaduhang mousey hero nako si Mighty Mouse. Murag siyag mousey bersyon ni Superman. Kada sabado, siya ang among gitan-aw ni Bunso sa TV. Kung molipad si Mighty Mouse sa TV, sul-ogan ko ni Bunso og kapa ug ginagunitan para kunohay molupad-lupad ko. Pildi pa nako ang nisakay sa roller-coaster. Lifong gyud ko!

idolmightymouse

Hapit na daw ipasalida ang film version ni Mighty Mouse. Eksaytid na ko!

idolikabod

Ang una nakong Pinoy nga mousey hero si Ikabod Bubwit nga gidrowing ni Nonoy Marcelo. Ang komik strip ni Ikabod ang usa sa una nakong gibasa kadtong kabalo na ko mobasa.

ikabod01

idolspeedy

Si Speedy Gonzales ang fastest mouse in all Mexico. Barkada ni Speedy sila Wile E. Coyote, Road Runners, Sylvester, Tweety Bird, Daffy Duck, Porky Pig ug Bugs Bunny sa Looney Tunes. Spanish-ispiking si Speedy ug siya ang nagpasikat sa “Andale, andale!”

idolsplinter

Si Splinter ang master sa Teen-age Mutant Ninja Turtles nga gitudloan niya og ninjutsu. Sila Michaelangelo, Donatello, Leonardo ug Raphael gipanganlan base sa mga sikat nga painter. Ebretaym makit-an nako ang Teen-age Mutant Ninja Turtles mahinumduman nako ang akong mga bro nga sina Tik ug Boy. 😦

Splinter with (from left) Michaelangelo, Donatello, Leonardo and Raphael

Splinter with (from left) Michaelangelo, Donatello, Leonardo and Raphael

Si Minnie Mouse ang una kong pantasya

minnie-mouse2

Noong teen-ager mouse na ako, pinakilala ako ni Bunso, anak ng Tao, sa mga peborit nyang Disney characters na sina Donald Duck, Mickey Mouse, Goofy at Pluto. Nasa shoulder ako ni Bunso tuwing nagbabasa siya ng komiks. Dito ko unang nakita si Minnie Mouse at biglang nag-rage ang aking hormones.  Tulo-laway ko talaga kay Minnie! Ajejeje

Mula sa pink hairband, hanggang sa mga mapilantik na pilik-mata hanggang sa pink high heels at slim na buntot, perfect womouse talaga siya!

Mula noon, pag kini-kiss ko si teddy bear, ini-imagine ko na si Minnie siya.  Tuwing gabi, kaulayaw ko si Minnie sa aking panaginip. Minsan, napasok bigla sa panaginip ko si Mickey. Galit na galit siya nang makita kaming magkasama ni Minnie. Hinabol niya ako . . . hanggang magising ako.

Mula kay Minnie, naging focus ng pantasya ko si Inday Beyonce.

Pero ngayon, tuwing hapon, si Melissa Ricks na ang pantasya kasi siya si Ella, ang taong-daga sa Kambal sa Uma.ella

Sa tingin ko, complementary kami. Ako, dagang isip-tao at siya naman taong-daga. Imagine the reproductive possibilities! Ajejeje

Cheatology 101

Katatapos lang ng finals week sa mga skul. Asobnaw, stress-free na ang mga estudyante, aside from allowance-free na rin kami. Ajejeje.

Kami mga estudyante may survival tekniks para makapasa.  Ang pinakamabisa ay ang pagrerebyu ng lessons para pagdating sa exams, way kurat na.

Pero ang iba, ginagamitan ng pagkamarukoy at creativity para makapasa nang walang kahirap-hirap daw!

Kaya sa topic na ito, Cheatology 101, ididikas ko ang mga taktika ng pag-gawa ng kodigo (elementary level):

1.  Gamit ang selfon, nakasave na ang mga sagot sa text messages folder. Pag mabibisto na ng teacher, delete folder agad.

2. Kung bawal ang celfon sa examination room, lowtech dapat. Gumawa ng kodigo sa isang maliit na piece of paper. Bilotin at itago sa palad. Mag-aral ng magic para madaling mag-appear at mag-disappear ang papel para hindi mahuli ng teacher o proctor.

3. Gamit ang finepoint sign pen, isulat ang kodigo sa palad o sa paa. Kung nasa paa ang kodigo, siguraduhing naka-dekwatro ka palagi.

4. Gamit ang finepoint sign pen, isulat sa dingding o armrest ang kodigo.

5. Ukitin ang kodigo sa armrest kung gawa ito sa kahoy.

Cheatology 101 (Advanced technique)

Mag-aral kayo ng classmate mo ng sign language (using hands) o kaya Morse Code (gamit ang eyes). Kung sign language ang gamit at nakita ng teacher/proctor, magkamot para kunwari may allergy ka.  Kung Morse Code ang gamit, siguraduhin makikita nyo ang mga mata ng isa’t-isa. Pag nakita ka ng teacher/proctor, kunwari napuwing ka. Kung type mo ang teacher/proctor (or vice-versa), kunwari kinikindatan mo sya.

Ultra-advanced Cheatology 101:

Mag-aral ng self-hypnotism. Pag namaster mo na, irecord ang kodigo sa MP3 player o selfon, tapos ihipnotayz ang sarili while playing the recorded kodigo.

Noong ako’y bubuwit pa

Mahirap pa sa daga. Isa ito sa mga kasabihan ng mga Pinoy. At totoo ito, naranasan namin ito. Mahirap ang buhay-daga. Si Mom at Dad mula sa hirap. Kaya naman tuwang-tuwa sila nang sila ampunin ng isang TAO.

Mula sa araw-araw na pangbubungkal sa basurahan para meron silang makain, natatikim sila na tumira sa isang simpleng kulungang alambre. Sa loob ng aming alambreng dampa, meron tubig at pagkain na bigay ng TAO. Hindi na sila natutulog ng gutom at naging malusog sina Mom at Dad. At ng uminit ang silakbo ng kanilang mga damdamin, nabuo kaming 5 magkakapatid. Nang isilang kami ni Mom, unang lumabas ang kambal na sina Tik at Boy, sumunod ang kambal na si Sha at Ron, at ako ang bunso.

Tuwang-tuwa ang TAO nang makitang nanganak na si Mom. Nagalit si Dad sa TAO kasi maya’t maya ay nakikita niya ang higanteng mata nito na pasilip-silip sa aming alambreng bahay. Pero napawi rin agad ang galit niya nang pakainin sila ng TAO ng mga pira-pirasong gulay at matamis na balat ng ipol (yun daw ang tawag ng maid ng TAO sa prutas).

Dahil ako ang bunso at pinakamaliit, nanggigil sa akin ang bunso ng TAO. Kinuha niya ako at nilagay sa kanyang palad. Dahil sa kanyang ginawa, nabahiran ako ng amoy-TAO. Kaya nang binalik niya ako sa loob ng alambreng dampa namin, hindi na ako nakilala ng mga magulang namin kasi hindi na ako amoy-daga kundi amoy-TAO na. Kahit ang apat kong mga kapatid ay hindi na ako nakilala. Si Mom hindi na ako pinasuso at si Dad naman ay binitbit ako palayo sa aming pugad na gawa sa mga pinilas na papel.

Sa gutom ko ay lagi akong umiibik. Narinig yun ng TAO at ako’y kanyang pinainom ng gatas na hindi singlasa ng gatas ni Mom. Nagpasiya  ang TAO na ihiwalay ako sa aking pamilya at itinira sa isang maliit na alambreng condominium kasi kung hindi niya gagawin yun, mamatay ako sa gutom o kaya mapipilitan sina Mom at Dad na patayin ako dahil hindi na nila ako Kapamilya, Kapuso at Kaamoy.

Kaya ang TAO na ang nagpalaki sa akin. At sa TAO ako natuto ng iba’t ibang wika. Ewan ko ba kung bakit lagi akong kinakausap ng TAO at ang pamilya niya. Pati ang driver at maid nila ay kinakausap din ako. Kaya ako naging polyglot mouse kasi maliban sa mousepeak, marunong na akong mag-Tagalog, Bisaya at English. Kaya hayun, halo-halo tuloy ako pag nagsasalita o nagsusulat.

Ang condo ko ay nakapatong sa itaas lang ng alambreng bahay ng pamilya ko. Kaya nung bubuwit na ako, dahil hindi ako pinapansin ng mga kapatid ko, tinityempuhan kong nasa tapat ko sila at binobombahan ko sila ng mga tae ko. Hihihik. Minsan, nagmintis ang pagpuntirya ko at si Mom ang nakatikim ng mabaho kong bomba. Ik-ik-ik.

Isang araw, naligaw sa loob ng bahay ng TAO ang pusa ng kapitbahay. Nakita nito si Ron na sa sobrang likot ay nakalabas ang ulo sa alambre at hindi na makahulagpos dun dahil sa laki ng ulo niya. Kaya sinagpang ng pusa ang ulo niya! Nabulahaw sila sa ibaba dahil sa pagpalahaw ko sa iba’t-ibang wika. Sus Ginoo! Si Ron gipatay sa pussycat! OMG! Saklolohan nyo siya!

Nilibing  ang pugot-ulong si Ron ng bunso ng TAO sa ilalim ng bermuda grass sa hardin. Nakita kong malungkot ang aking pamilya pero hindi nila ako pinapansin kasi para sa kanila ako’y isa lang estranghero.

Gustong-gusto ng TAO at pamilya nito na pakainin ako ng kung anu-ano. Kaya pagkatapos ng kainan, takbo agad ako sa wheel ko para mag-work-out.

Mabait ang TAO at kanyang pamilya sa amin. Pag binibilhan ako ng mga laruan ng TAO pati sina Mom at Dad at mga kapatid ay may mga laruan din. Kaya lang, akala nila makakain ang mga ito. Kaya wala pang isang minuto ay sira na ang kanilang mga laruan dahil sa walang patumanggang pagngatngat nila dito.

Ako naman maingat sa gamit, kaya halos mapuno ang aking condo ng mga laruan. Pinakapaborito ko sa lahat ang teddy bear ko. Kasing-cute ko kasi. Ik-ik-ik. Kaya kahit saan ako gumala sa aking condo ay bitbit ko si Teddy. Para tuloy akong si Mr. Bean na paboritong TV show ng bunso ng TAO. Parekoy ko si bunso kaya kung anong ginagawa niya, ginagaya ko. Pag inaakyat niya ang puno ng atis sa likuran, ako akyat-baba rin sa alambre ng condo ko, bitbit syempre si Teddy! Ik-ik-ik.

Kasama rin ako pag tinuturuan si bunso ng nanay niya. Minsan, nagulat ako kasi nalaman ko kung ano talaga ako dahil sa lesson ni bunso. Pangngalan o noun ang paksa ng homework niya at tinatanong siya ng kanyang nanay kung ano ang mga nakasulat sa kanyang notebook. “Tatay?” “Tao.” “Gensan?” “Lugar.” “Kotse?” “Bagay.” “Daga?” (sabay turo sa aking pamilya) “Hayop.” “Si Anynomouse?”  Sigaw ni bunso: “Di-tiyak!” Ik-ik-ik.

Gusto nyo makita ako?

Anynomouse is born and renamed!

real-mouse1This blog should have been named Anonymouse but that name is already taken. 😦

This is my first blog, so pagpasensyahan nyo muna, ok”

May blog na ako, may blog na ako! Ajejeje