Monthly Archives: April 2009

Fearless Forecast: Talo si Pacman!

Nakikita ko sa aking keso de bolang krystal na matatalo si Pacman sa laban niya kay Hatton.

Eto ang mga masasamang signos o senyales kung bakit siya matatalo:

1. Natalo si Gerry Penalosa ni Juanma Lopez kamakailan lang. Si Freddie Roach, na trainer ni Pacman, ang trainer niya. (Insert X-Files soundtrack here) dionesia2. Maraming first ang nangyari bago ang laban. Unang-una na dito ang unang pagtuntong sa US of A ni Nanay Dionesia, Dancing Queen ng Gensan. Dati-rati, sa Labangal mansyon lang siya nakakulong at nagdarasal tuwing laban ni Pacman, ngayon, sa Las Vegas siya magdarasal. Hindi ba alam ni Nanay Dionesia na ang Las Vegas ang tinatawag ng mga Born-again at Fundamentalist Christian na modern Sodom and Gomorrah? May laban kaya ang mga dasal niya kung napapalibutan siya ng mga makasalanan? Ajejeje

3. Fordaperstaym din lalaki ang kakanta ng Lupang Hinirang. Si Martin Nievera na hanggang ngayon, after more than 20 years in showbiz, ay hindi pa straight magsalita ng Filipino. Take note, ngayon lang uli makakabalik sa Las Vegas si Martin kasi hindi na na-renew ang kanyang contract sa isang club doon. Tsk-tsk-tsk-tsk-tsk! (ala boombox rap ng butiki)

4. Ang lahat ng family members from Pacman and Jinky’s sides (except yata ang tatay ni Manny) kasama na ang mga bubuwit nila ay present sa check attendance doon sa Las Vegas. (Insert We are Family song here)moorer-michael-22

5. First time din nagkaroon ng assistant trainer si Freddie Roach na si Michael Moorer. Dati siya lang ang trainer ni Pacman ngayon dalawa na sila. Black and White na ang trainers ni Pacman, parang lumang TV. Ajejeje

6. Karamihan sa nakalaban na ni Pacman at pati na rin siya ay binyagan. Iba si Hatton kasi ang mga British ay hindi nagpapatuli. At si Hatton lang ang nagsusuot ng thong o t-back! Kaya ang tawag kay Hatton ng mga Bisaya ay siya si Pisothong hit-meyn. Ajejeje

7. Magulo rin ang naging transakyones ni Pacman bago ang laban: Gulo sa hatian nila ng porsento ni Hatton, Gulo sa TV coverage sa pagitan ng Solar Sports at ABS-CBN. Ang pangatlong gulo: Matatalo si Pacman at may dayaan daw na nangyari. (Insert Boo canned sound effects here)

8. May miyembro ng Team Pacquiao na binayaran ng milyones para mag-espiya ng kampo ni Hatton. Alam na  nila Hatton at Mayweather Sr. ang magiging strategy ni Pacman, Moorer at Roach. Napilitan ang miyembrong ito na tanggapin ang suhol dahil sa global financial  crisis at sa lumalaking pangangailangan ng kanyang bundat na tiyan. Mahirap hulaan kung sino ang maghuhudas mula sa Team Pacquiao kasi lahat sila mukhang butete sa laki ng mga tiyan! Ajejeje

9. May gagawing dirty tactic ang kampo ni Hatton. Binayaran nila ang Cebuana (na naanakan ni Pacman) at anak nila para pumunta sa Las Vegas at magpakita kay Pacman at Jinky. Magseselos syempre si Jinky at aawayin si Pacman bago ang laban. Dahil distracted sa love/sexlife, matatalo si Pacman. (Insert instrumental version of Sana Dalawa ang Puso Ko here)manny-pacquiao-nike-air-trainer-r-1

10. Natalo na minsan si Pacman dahil sa bagong medyas. Ngayon, matatalo siya dahil sa kanyang bagong Nike Air shoes. Ajejeje

11. Tumaya si Chavit Singson  ng mas malaki kay Hatton (na ito ang mananalo) sa pustahan sa Las Vegas.  Wais si Singson, sa pulitika man o sa pustahan, lagi siyang nasa winning side. Sa pula, sa puti! Ajejeje

12. Dahil sa gulong pinasok ni Manny sa #7 (above), hindi na si Dyan Castillejo ang magco-cover ng fight niya sa ABS-CBN kundi si TJ Manotoc.  Si Dyan ay isa sa ninang ni Queen Elizabeth, anak ni Pacman. I guess nagsaulian na sila ng kendels. Ajejeje

At iyan, my dear loyal blog readers ang aking fearless forecast. Ito ang iyong manghuhula, Madam Mouseya. Ik-ik-ik!

P.S. Kung sakaling mali man ang aking fearless forecast, ako ang unang magno-nominate na gawing Buhay na Santa (libing sint) si Nanay Dionesia, bilang Patron Saint of Boxers kasi wala pang na-declare na ganitong  saint ang Vatican. Ajejeje

Advertisements

Si Minnie Mouse ang una kong pantasya

minnie-mouse2

Noong teen-ager mouse na ako, pinakilala ako ni Bunso, anak ng Tao, sa mga peborit nyang Disney characters na sina Donald Duck, Mickey Mouse, Goofy at Pluto. Nasa shoulder ako ni Bunso tuwing nagbabasa siya ng komiks. Dito ko unang nakita si Minnie Mouse at biglang nag-rage ang aking hormones.  Tulo-laway ko talaga kay Minnie! Ajejeje

Mula sa pink hairband, hanggang sa mga mapilantik na pilik-mata hanggang sa pink high heels at slim na buntot, perfect womouse talaga siya!

Mula noon, pag kini-kiss ko si teddy bear, ini-imagine ko na si Minnie siya.  Tuwing gabi, kaulayaw ko si Minnie sa aking panaginip. Minsan, napasok bigla sa panaginip ko si Mickey. Galit na galit siya nang makita kaming magkasama ni Minnie. Hinabol niya ako . . . hanggang magising ako.

Mula kay Minnie, naging focus ng pantasya ko si Inday Beyonce.

Pero ngayon, tuwing hapon, si Melissa Ricks na ang pantasya kasi siya si Ella, ang taong-daga sa Kambal sa Uma.ella

Sa tingin ko, complementary kami. Ako, dagang isip-tao at siya naman taong-daga. Imagine the reproductive possibilities! Ajejeje

Superstition

When you believe in things that you don’t understand,
Then you suffer,
Superstition aint the way

(Stevie Wonder, Superstition)

Naa na ta sa 21st Century pero kitang mga Pinoy, superstitious lang gihapon.

Kini lang niaging February, nikalat sa texts nga naay nadakpan nga sirena sa Dumaguete ug gidala daw sa Silliman University. Daghang niadto sa Silliman para makakita og sirena. Daghang mangingisda sad ang niadto sa eskwelahan para mag-rally. Buot nilang i-release ang sirena kay naglisod daw sila sa pangisda tungod sa pagdakop sa sirena. Pasanginlan pa gyud si Dyesebel! ajejeje

Si Kris Anino, intelihente, Ateneo graduate, anak sa pala-simba nga former president. Pero pagka-superstitious! Nitoo sya sa feng shui, lucky charms and crystals. Pati mga contestants sa iyahang game shows natakdan sa pagka-religious nya. Pati ilahang haus ni James, nagkatag ang mga feng shui, charms ug crystals. Kung magtsiks usab si James, basulon kaha ni Kris nga dili epektibo ang mga kini? ajejeje.

Kining niaging domingo, daghang nagpa-bless sa ilahang palaspas. Pag-uli, gibutang kining mga palaspas sa altar, sa pwertahan, sa mga bintana. Pangontra kuno sa aswang. ajejeje

Ang superstition gitohoan sa mga dili-lig-on ang pagtoo sa Ginoo. Ingon pa nila, walay mawala nila kung motoo sila sa horoscopes, manghuhula, ug uban pa. Pero sa tinood, hinay-hinay nga ginapaluya sa superstition ang ilahang pagtoo sa Makagagahom.

Ang superstition. Bow!

Syampu o Bakit hindi natin kailangan ito o Much ado about nothing

Sabi ni Pareng Bill Shakespeare: Much ado about nothing. Ganyan ang syampu.

Nainsulto ang aking brain cells nang mapanood ko ang bagong shampoo commercial ni Jericho Rosales.

Sinong tangang lalaki ang magbibigay ng diamond ring sa isang babae dahil lang sa ganda ng buhok nya? Ayaw ng Gabriela nyan – ang gawing objects ang mga babae.  ajejeje

Ang mga syampu variants na ina-advertize ngayong summer, puro may sangkap na prutas – melon, lemon, avocado. Di magtatagal, baka meron ng halo-halo flavor! ajejeje

You don’t need to be nuclear scientist to know that all visible hair in our body is already dead. Ang buhay na parte ng buhok (hair follicle) ay yung nasa ilalim ng balat. hair-follicleKaya ano ang silbi ng syampu sa hair follicle? Wala! Dahil hindi ito nakaka-penetrate sa balat. Dahil ito ay binabanlawan natin pagkatapos pabulain ng pabulain.

Merong nagsasabing the hair is our crowning glory. Teldatodamarins! Ginagamit lang ng mga banidosong tao na dahilan  ang buhok para sa kanilang vanity.

Imadyin kung anu-anong burloloy ang nailalagay sa patay na buhok – hairpins, clips, hairbands, extensions, wigs, toupees, pomada, conditioner, mousse, gel! Sa movie na There’s Something about Mary, akala ni Cameron Diaz gel yung tumilapon sa hair nya, yun pala sperm! ajejeje

Kung anu-anong estilo ang ginagawa sa buhok – kinukulot, pinapa-straight, pinapa-cellophane, kinukalayan, highlights, dutchboy, beatles na bangs, beehive, afro, cornrows, dreadlocks rasta!

hairbeehivehair_rastaAt dahil dead cells na ang buhok, the best way to deal with it is to cut it! Plain and simple!

Pero hindi pa tapos ang biznes sector sa buhok natin.

Napapansin ba ninyo na puro syampu na pang-straight hair lang ang available sa ngayon? Pwes, suspetsa ko, susunod na ang syampung para sa mga kulot, semi-kalbo at kalbo! ajejeje

Merong syampung pang-baby, pambabae, panglalaki, pang-small girls, susunod na rin ang geriatric syampu para 50 years old and up. ajejeje

Nagtataka ba kayo bakit dati may syampu na “Gee, your hair smells terrific” ang brand at ngayon ang number 1 kuno na syampu ay “Heads & Shoulders”? Bakit kasama ang shoulders? Kasi, sa USA at Europe, marami ang balbon ang balikat! ajejeje

Kaya huwag na tayong magtaka kung lalabas na rin ang mga syampu para sa kilay, pilik-mata, bigote, balbas, chest hair, kilikili hair, arm hair, leg hair, nose hair, ear hair at pubic hair! Talagang hindi nila tatantanan ang lahat ng balahibo natin sa katawan! ajejeje

May syampu sa pet dogs, cats, horses, carpets, cars, kaya darating na rin ang syampu sa camputers, laptops, house, at kung ano pang pwede syampuhan kahit walang buhok o balahibo. ajejeje

Ang syampu, bow! Yun lang poh! ajejeje