Tag Archives: Pacman

Fearless Forecast: Talo si Pacman!

Nakikita ko sa aking keso de bolang krystal na matatalo si Pacman sa laban niya kay Hatton.

Eto ang mga masasamang signos o senyales kung bakit siya matatalo:

1. Natalo si Gerry Penalosa ni Juanma Lopez kamakailan lang. Si Freddie Roach, na trainer ni Pacman, ang trainer niya. (Insert X-Files soundtrack here) dionesia2. Maraming first ang nangyari bago ang laban. Unang-una na dito ang unang pagtuntong sa US of A ni Nanay Dionesia, Dancing Queen ng Gensan. Dati-rati, sa Labangal mansyon lang siya nakakulong at nagdarasal tuwing laban ni Pacman, ngayon, sa Las Vegas siya magdarasal. Hindi ba alam ni Nanay Dionesia na ang Las Vegas ang tinatawag ng mga Born-again at Fundamentalist Christian na modern Sodom and Gomorrah? May laban kaya ang mga dasal niya kung napapalibutan siya ng mga makasalanan? Ajejeje

3. Fordaperstaym din lalaki ang kakanta ng Lupang Hinirang. Si Martin Nievera na hanggang ngayon, after more than 20 years in showbiz, ay hindi pa straight magsalita ng Filipino. Take note, ngayon lang uli makakabalik sa Las Vegas si Martin kasi hindi na na-renew ang kanyang contract sa isang club doon. Tsk-tsk-tsk-tsk-tsk! (ala boombox rap ng butiki)

4. Ang lahat ng family members from Pacman and Jinky’s sides (except yata ang tatay ni Manny) kasama na ang mga bubuwit nila ay present sa check attendance doon sa Las Vegas. (Insert We are Family song here)moorer-michael-22

5. First time din nagkaroon ng assistant trainer si Freddie Roach na si Michael Moorer. Dati siya lang ang trainer ni Pacman ngayon dalawa na sila. Black and White na ang trainers ni Pacman, parang lumang TV. Ajejeje

6. Karamihan sa nakalaban na ni Pacman at pati na rin siya ay binyagan. Iba si Hatton kasi ang mga British ay hindi nagpapatuli. At si Hatton lang ang nagsusuot ng thong o t-back! Kaya ang tawag kay Hatton ng mga Bisaya ay siya si Pisothong hit-meyn. Ajejeje

7. Magulo rin ang naging transakyones ni Pacman bago ang laban: Gulo sa hatian nila ng porsento ni Hatton, Gulo sa TV coverage sa pagitan ng Solar Sports at ABS-CBN. Ang pangatlong gulo: Matatalo si Pacman at may dayaan daw na nangyari. (Insert Boo canned sound effects here)

8. May miyembro ng Team Pacquiao na binayaran ng milyones para mag-espiya ng kampo ni Hatton. Alam na  nila Hatton at Mayweather Sr. ang magiging strategy ni Pacman, Moorer at Roach. Napilitan ang miyembrong ito na tanggapin ang suhol dahil sa global financial  crisis at sa lumalaking pangangailangan ng kanyang bundat na tiyan. Mahirap hulaan kung sino ang maghuhudas mula sa Team Pacquiao kasi lahat sila mukhang butete sa laki ng mga tiyan! Ajejeje

9. May gagawing dirty tactic ang kampo ni Hatton. Binayaran nila ang Cebuana (na naanakan ni Pacman) at anak nila para pumunta sa Las Vegas at magpakita kay Pacman at Jinky. Magseselos syempre si Jinky at aawayin si Pacman bago ang laban. Dahil distracted sa love/sexlife, matatalo si Pacman. (Insert instrumental version of Sana Dalawa ang Puso Ko here)manny-pacquiao-nike-air-trainer-r-1

10. Natalo na minsan si Pacman dahil sa bagong medyas. Ngayon, matatalo siya dahil sa kanyang bagong Nike Air shoes. Ajejeje

11. Tumaya si Chavit Singson  ng mas malaki kay Hatton (na ito ang mananalo) sa pustahan sa Las Vegas.  Wais si Singson, sa pulitika man o sa pustahan, lagi siyang nasa winning side. Sa pula, sa puti! Ajejeje

12. Dahil sa gulong pinasok ni Manny sa #7 (above), hindi na si Dyan Castillejo ang magco-cover ng fight niya sa ABS-CBN kundi si TJ Manotoc.  Si Dyan ay isa sa ninang ni Queen Elizabeth, anak ni Pacman. I guess nagsaulian na sila ng kendels. Ajejeje

At iyan, my dear loyal blog readers ang aking fearless forecast. Ito ang iyong manghuhula, Madam Mouseya. Ik-ik-ik!

P.S. Kung sakaling mali man ang aking fearless forecast, ako ang unang magno-nominate na gawing Buhay na Santa (libing sint) si Nanay Dionesia, bilang Patron Saint of Boxers kasi wala pang na-declare na ganitong  saint ang Vatican. Ajejeje

Advertisements

Idol ko si Pacman UFN (Until Further Notice)

baracquiao
Vote for Baraquiao!!! Ajejeje

Idol ko si Pacman. UFN. Until Further Notice.

Idol ko si Pacman kasi mahusay syang boksingero.

Idol ko si Pacman kasi mataas ang kanyang ambisyon at kinaya nyang tuparin iyon.

Idol si Pacman kasi strong believer sya sa edukasyon. At masipag syang mag-aral. At binigyan nya ng magandang edukasyon ang mga kids nya (at sa mahal na private international school pa!)

Idol ko si Pacman kasi makabayan sya. Bow!

Pero hindi ko na sya Idol pag sya lang ang yumayaman sa mga laban nyang para sa bayan daw.

Hindi ko sya Idol kung tatakbo sya sa pulitiks. Pwede naman syang tumulong sa kababayan kahit hindi sya puli-tiko. Tsaka barangay kapitan na ang bro nya. Pag sumali pa sya, di ba political dynasty na yun? Soon ba, magkakaroon na ng meyor/governor/congressman/senador/presidente (simbako!) Pacquiaos?

Hindi ko na sya Idol kung hindi nya babawasan ang mga hangers-on sa kanya – mga alalay na yes-men at bad influence pa.

Hindi ko na sya Idol kung hindi pa sya magretire. Wori me kasi sa health nya. Naduduling na nga sya siguro dahil sa mga sapak sa ulo na natanggap nya sa mga kalaban. Si Navarrete, libat na gyud!

Hindi ko na sya Idol if everytime I see him in the papers and on TV at katabi nya si Chavit na parang kalibangon pirmi. Di ba dapat inaasikaso ni Chavit ang national security at hindi yung taya nya sa fight ni Pacman at media exposure nya?

So, Until Further Notice, Idol ko si Pacman. Ajejeje