Fearless Forecast: Talo si Pacman!

Nakikita ko sa aking keso de bolang krystal na matatalo si Pacman sa laban niya kay Hatton.

Eto ang mga masasamang signos o senyales kung bakit siya matatalo:

1. Natalo si Gerry Penalosa ni Juanma Lopez kamakailan lang. Si Freddie Roach, na trainer ni Pacman, ang trainer niya. (Insert X-Files soundtrack here) dionesia2. Maraming first ang nangyari bago ang laban. Unang-una na dito ang unang pagtuntong sa US of A ni Nanay Dionesia, Dancing Queen ng Gensan. Dati-rati, sa Labangal mansyon lang siya nakakulong at nagdarasal tuwing laban ni Pacman, ngayon, sa Las Vegas siya magdarasal. Hindi ba alam ni Nanay Dionesia na ang Las Vegas ang tinatawag ng mga Born-again at Fundamentalist Christian na modern Sodom and Gomorrah? May laban kaya ang mga dasal niya kung napapalibutan siya ng mga makasalanan? Ajejeje

3. Fordaperstaym din lalaki ang kakanta ng Lupang Hinirang. Si Martin Nievera na hanggang ngayon, after more than 20 years in showbiz, ay hindi pa straight magsalita ng Filipino. Take note, ngayon lang uli makakabalik sa Las Vegas si Martin kasi hindi na na-renew ang kanyang contract sa isang club doon. Tsk-tsk-tsk-tsk-tsk! (ala boombox rap ng butiki)

4. Ang lahat ng family members from Pacman and Jinky’s sides (except yata ang tatay ni Manny) kasama na ang mga bubuwit nila ay present sa check attendance doon sa Las Vegas. (Insert We are Family song here)moorer-michael-22

5. First time din nagkaroon ng assistant trainer si Freddie Roach na si Michael Moorer. Dati siya lang ang trainer ni Pacman ngayon dalawa na sila. Black and White na ang trainers ni Pacman, parang lumang TV. Ajejeje

6. Karamihan sa nakalaban na ni Pacman at pati na rin siya ay binyagan. Iba si Hatton kasi ang mga British ay hindi nagpapatuli. At si Hatton lang ang nagsusuot ng thong o t-back! Kaya ang tawag kay Hatton ng mga Bisaya ay siya si Pisothong hit-meyn. Ajejeje

7. Magulo rin ang naging transakyones ni Pacman bago ang laban: Gulo sa hatian nila ng porsento ni Hatton, Gulo sa TV coverage sa pagitan ng Solar Sports at ABS-CBN. Ang pangatlong gulo: Matatalo si Pacman at may dayaan daw na nangyari. (Insert Boo canned sound effects here)

8. May miyembro ng Team Pacquiao na binayaran ng milyones para mag-espiya ng kampo ni Hatton. Alam na  nila Hatton at Mayweather Sr. ang magiging strategy ni Pacman, Moorer at Roach. Napilitan ang miyembrong ito na tanggapin ang suhol dahil sa global financial  crisis at sa lumalaking pangangailangan ng kanyang bundat na tiyan. Mahirap hulaan kung sino ang maghuhudas mula sa Team Pacquiao kasi lahat sila mukhang butete sa laki ng mga tiyan! Ajejeje

9. May gagawing dirty tactic ang kampo ni Hatton. Binayaran nila ang Cebuana (na naanakan ni Pacman) at anak nila para pumunta sa Las Vegas at magpakita kay Pacman at Jinky. Magseselos syempre si Jinky at aawayin si Pacman bago ang laban. Dahil distracted sa love/sexlife, matatalo si Pacman. (Insert instrumental version of Sana Dalawa ang Puso Ko here)manny-pacquiao-nike-air-trainer-r-1

10. Natalo na minsan si Pacman dahil sa bagong medyas. Ngayon, matatalo siya dahil sa kanyang bagong Nike Air shoes. Ajejeje

11. Tumaya si Chavit Singson  ng mas malaki kay Hatton (na ito ang mananalo) sa pustahan sa Las Vegas.  Wais si Singson, sa pulitika man o sa pustahan, lagi siyang nasa winning side. Sa pula, sa puti! Ajejeje

12. Dahil sa gulong pinasok ni Manny sa #7 (above), hindi na si Dyan Castillejo ang magco-cover ng fight niya sa ABS-CBN kundi si TJ Manotoc.  Si Dyan ay isa sa ninang ni Queen Elizabeth, anak ni Pacman. I guess nagsaulian na sila ng kendels. Ajejeje

At iyan, my dear loyal blog readers ang aking fearless forecast. Ito ang iyong manghuhula, Madam Mouseya. Ik-ik-ik!

P.S. Kung sakaling mali man ang aking fearless forecast, ako ang unang magno-nominate na gawing Buhay na Santa (libing sint) si Nanay Dionesia, bilang Patron Saint of Boxers kasi wala pang na-declare na ganitong  saint ang Vatican. Ajejeje

Advertisements

21 responses to “Fearless Forecast: Talo si Pacman!

  1. hilariously awesome!

  2. Haha! I especially love item number 9 :).

  3. you did it again anynomouse! really thought-provoking, hehehe!

    welcome back!

    tagal mong namundok ah?

  4. wala akong masabi… you are hilarious!

  5. pwede pa itong i-post sa facebook ko?

  6. andrewtorres

    Sure po, Kuya Orman. 🙂

  7. Plurked and Twitted about it. Can I borrow few lines in a article? I’ll link back over here. It really makes me laugh. Haha.

  8. andrewtorres

    Sure, kevingeorg. 🙂

  9. kanang sa number #2 gyud morag naay dakong epekto sa akong tan-aw pud 🙂

  10. hahahaha! this is hilarious!…pwera palayo lang kay manny lahat yang fearless forecast mo na yan, hehehe…

  11. I love this! pero sana manalo ang kuya natin di ba?

  12. olrayt!!! keep ’em coming… 🙂

  13. hahahahaha…. you’re good.

  14. di kinaya ng powers ko ang sense of humor mo, dong anynomouse! 😀

  15. yak pumaltos yata ang hula daga mo, anyway…
    ha ha ha galing mo kapatid gumawa ng prediksyon…

    oki ah… na good time mo talaga ako ng ilang minuto. 🙂 cheer!!!

  16. ay!mali ka !! nanalo ang manny pacquiao mo,,,,,,

    sa susunod…mag puasa ka or fasting ng tatlong linggo para maging totoo ang mga hula mo…di pa sapat ang 3 days mo na tinapay at suman na diet…hehehehe

    anyhow, ganda ng fearless comments mo…okey sya..

  17. WATCH NA LANG KAU SA PAGBABALIK NG TEAM PACQUIAO GALING LAS VEGAS..LALONG LALO NA SA ENTOURAGE NG LOLA NYO NA SI DIONESIA!!! AY NAKU!! AM SURE NA SURE ..MARAMI NAMAN YANG EKSENANG GAGAMBALA-IN PARA MAPANSIN YANG LOLA NYO..

    EWAN KO BA NYAN..AT TINUMBASAN PA ANG KARA NI KRIS AQUINO…

    RARAMPA AT RARAMPA NA NAMAN YAN..!!!

  18. You’re good, but not good enough against Manny’s mother who did the magic again. Haha.

  19. haha. napaclick ako bigla. ayos. \m/

  20. hehehe! grabeh hula mo.. nalingaw ko og basa…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s