Idol ko si Pacman UFN (Until Further Notice)

baracquiao
Vote for Baraquiao!!! Ajejeje

Idol ko si Pacman. UFN. Until Further Notice.

Idol ko si Pacman kasi mahusay syang boksingero.

Idol ko si Pacman kasi mataas ang kanyang ambisyon at kinaya nyang tuparin iyon.

Idol si Pacman kasi strong believer sya sa edukasyon. At masipag syang mag-aral. At binigyan nya ng magandang edukasyon ang mga kids nya (at sa mahal na private international school pa!)

Idol ko si Pacman kasi makabayan sya. Bow!

Pero hindi ko na sya Idol pag sya lang ang yumayaman sa mga laban nyang para sa bayan daw.

Hindi ko sya Idol kung tatakbo sya sa pulitiks. Pwede naman syang tumulong sa kababayan kahit hindi sya puli-tiko. Tsaka barangay kapitan na ang bro nya. Pag sumali pa sya, di ba political dynasty na yun? Soon ba, magkakaroon na ng meyor/governor/congressman/senador/presidente (simbako!) Pacquiaos?

Hindi ko na sya Idol kung hindi nya babawasan ang mga hangers-on sa kanya – mga alalay na yes-men at bad influence pa.

Hindi ko na sya Idol kung hindi pa sya magretire. Wori me kasi sa health nya. Naduduling na nga sya siguro dahil sa mga sapak sa ulo na natanggap nya sa mga kalaban. Si Navarrete, libat na gyud!

Hindi ko na sya Idol if everytime I see him in the papers and on TV at katabi nya si Chavit na parang kalibangon pirmi. Di ba dapat inaasikaso ni Chavit ang national security at hindi yung taya nya sa fight ni Pacman at media exposure nya?

So, Until Further Notice, Idol ko si Pacman. Ajejeje

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s